OPINION
Kim Tablate
PART 1: Ano Ang Kailangan Magbago Sa News Media Para Makahabol Sa Social Media?
File photo
Sa aking palagay, ang pag-unlad ng teknolohiya, mas mapabilis ang pag-akyat ng social media. Upang makahabol ang news media sa social media, kinakailangan nilang baguhin ang kanilang paraan ng paghahatid ng balita. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa mga online platforms at kailangan na mas mabilis ang pagbibigay ng news media ng balita sa mga tao upang maiwasan ang paglaganap ng maling impormasyon. Mahalaga ang paggamit ng mga trending hashtags at ang pakikilahok sa online conversations upang mas paniwalaan at mapansin ng karamihan. Dapat magsanay ang kanilang mga tauhan sa digital na pamamahayag at pagganap sa iba't-ibang social media channels upang mas madaling maabot ang mas maraming tao. Dapat din ay maaga silang makapagbigay ng updates ukol sa mga nangyayari sa ating mundo at maglabas ng mga breaking news para sa real-time na impormasyon na hinahanap ng mga tao. Bukod dito, mahalaga rin na maging interactive ang news media sa kanilang manonood at upang maisagawa ito, dapat silang magkaroon ng mga live sessions, polls, at feedback mechanisms para mas mapanatili ang engagement sa kanilang platform. Ang paggamit din ng multimedia elements tulad ng video at infographic ay makatutulong sa mas mabilis na pag-unawa ng mga tao sa balita. Sa ganitong paraan, maaaring mapanatili ng news media ang kanilang kredibilidad at upang makasabay sa mabilis na pagtakbo ng impormasyon sa social media. Mas magiging epektibo ang news media sa pagkakaroon ng mas malawakang saklaw at epekto sa online na komunidad.

Mar 9, 2024
MORE OPINION →

Share this article

MORE OPINION →
Share by: