OPINION
Alexandra Ramos Calanoga
PART 2: Ano Ang Kailangan Magbago Sa News Media Para Makahabol Sa Social Media?
Para sa akin ay madaming kailangang baguhin sa news media sa ating panahon ngayon upang makahabol sa social media. Isa na rito ay ang kadahilanang mas dumadami na ang mga taong gumagamit ng social media dito sa mundo at mas accessible kasi itong gamitin kaysa sa panonood ng TV sa ating mga kabahayan. May mga solusiyon naman upang mas gumanda at mas umapgrade ang News Media sa ating bansa, unang una na dito ang pag-adapt ng news media sa mga pangangailangan ng mga tao at hilig ng mga tao ngayon sa pagiging aktibo masyado sa mga online platforms na ginagamit ng karamihan sa atin. Pangalawa, dapat nilang mapalakas ang kanilang online presence sapagkat karamihan ng mga taong makikinig at nanonood ay puro online na sila kumukuha lagi ng mga balitang kailangan nila kahit na hindi sila nakakasiguradong totoo man ito o hindi. Maaari rin silang gumawa ng mga digital contents na maaaring ipalaganap sa online tulad ng videos, infographics, at interactive articles na maaantig ang mga tao upang basahin o panoorin ang mga balitang makatotohanan sa online at upang maiwasan ang pagkalat ng fake news sa ating bansa. Pangatlo, mahalaga ring maging aktibo sila sa mga social media platforms upang makipag-engage sa kanilang mga audience sa online, para na rin makasagot sila sa mga tanong at komento ng mga mamamayang may mga gustong malaman at maliwanagan tungkol sa isang isyu, at para makapag-pabahagi ng mga update at eksklusibong impormasyon gamit ang mga online platforms na nauuso ngayon. Bukod pa dito, dapat din nilang iangkop ang kanilang nilalaman sa mga trending na paksa at isyu sa social media upang mapataas ang kanilang engagement at reach para makasabay sila sa social media. Sa ganitong mga paraan, magiging mas epektibo sila sa pag-abot sa mas maraming tao at mas makakasabay na sila sa pagpapalaganap ng kanilang mga impormasyong kailangang ibahagi sa online na mundo na ating ginagalawan ngayon.
Mar 9, 2024
MORE OPINION →

Share this article

MORE OPINION →
Share by: