OPINION
Danilo R. dela Cruz, Jr.
Wika Bilang Isang Larangan Ng Tunggalian
Photo courtesy from ADV China
Mga Bagong Francisco Balagtas
Buwan ng Wikang Pambansa ngayon, at ang iba’t ibang paaralan ay kasalukuyang nagpapa-contest sa sabayang pagbigkas, essay writing, o di-kaya’y sa paglikha ng tula. May mga teacher na Filipino ang ginagamit sa pagtuturo ng kani-kanilang subjects, mapa-Math man ito o Science, kahit pilit at pilipit. At may isinisilang na ilang bagong “Francisco Balagtas” mula sa hanay ng kabataan tuwing Agosto.
Mula sa pagiging survival tool ng ating mga ninuno, ang wika ay naging kagamitan sa komunikasyon sa ating modernong panahon. Pero ang wika ay hindi non-neutral, at hindi lang ito ginagamit sa pagtukoy ng isang partikular na bagay kundi sa pagbuo ng katotohanan. Kapag pinili mong gamitin ang “puwersang pang-seguridad” kaysa “karahasan ng pulis,” nili-legitimize mo ang naging aksyon ng gobyerno. Kapag tinawag mong isang “development project” ang pag-demolish sa isang komunidad ng informal settlers, maaaring sabihin na kumakampi ka sa mga nagpapalayas.
Ang wika ay dapat na maging kakampi sa political struggle para sa mas magandang bukas ng bansa at ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ang pagtutol sa maling kalakaran at nailalatag ang mainam na pamalit. Sa panahon ng fake news, disinformation, at online censorship/repression (may binabalak na naman ukol dito ang ilan sa ating mga mambabatas), dapat na maging mas kritikal sa papel ng wika sa pagsusulong ng mga mithiin ng nakararami.
Semantic Activism
Isa sa mga taktika ang semantic activism. Ito’y ang paggamit o paglikha ng mga bagong salita para baguhin ang pananaw ng publiko sa iba’t ibang isyu. Halimbawa, sa United States, ginamit ng Black Lives Matter ang “defund the police!” hindi bilang literal na panawagan ng movement na huwag bigyan ng pondo ang pulis, kundi upang maumpisahan ang diskurso ng paglalaan ng pondo para sa social services na mas higit na kailangan ng US citizens.
Kahit may mga naging debate, lumaganap ang “cancel culture.” Ang salitang “cancel” ay galing lang sa pop culture, pero naging activist term ito sa digital spaces. Sa social media, ito’y naging porma ng pagtutol sa public personalities at celebrities, mga kompanya, o institusyon na nakagawa ng mga bagay na mapanupil, gaya ng misogyny, racism, o homophobia. Dito’y nagkaroon ng bigat ang salitang “cancel”, hindi lang bilang pagsawata, kundi bilang mariing moral na pagtutol.
Isa pang halimbawa sa ibang bansa. Sa Latin America, ang sistematiko at karumal-dumal na pagpapatay sa kababaihan ay tinatawag nang “femicidio” (femicide) kaysa karaniwan lang na "crimen pasional" (crime of passion). May mabigat na elementong kriminal ang femicidio kumpara sa pang-depensa na crimen pasional. Dito sa Pilipinas, naging parte ng pakikibaka ng mga kabataang aktibista ang salitang “chacha” para sa pagtutol sa charter change at “endo” (end of contract) para sa pagwawakas sa contractualization ng mga manggagawa at empleyado. Bago ito, ang “pasista” ay ipinalit ng mga unang komunista sa bansa sa pulis, sundalo, at estado.
Ang semantic activism ay nagbibigay ng mga bagong kahulugan sa mga lumang salita upang muling maibalangkas ang isyu at mabuksan ang isipan ng publiko. Sa paraang ito, binabasag ang “walang kinikilingang imahe” ng kapangyarihan (gobyerno, pulis, militar, atbp.) at isinusulong ang kritikal na pag-intindi sa mga tunggalian sa lipunan.
Jargon
Ang “language game” ay nilalaman ng librong “Philosophical Investigations” ni Ludwig Wittgenstein.
Para sa nasabing Austro-British philosopher, ang wika ay hindi permanenteng listahan ng mga salita na may iisang kahulugan na puwedeng gamitin kahit saan. Sa halip, ang kahulugan ng isang salita ay nakabase sa gamit nito sa partikular na konteksto.
May kanya-kanyang alituntunin, layunin, at gamit ang bawat language game. Sa madaling sabi, iba ang kahulugan ng isang salita depende kung ito'y ginagamit sa agham, sa batas, sa simbahan, sa biro, o sa aktibismo.
May mga sariling “language game” ang Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya (NatDem) at ito’y mga jargon tulad ng “imperyalismo”, “burukrata-kapitalismo”, at “pyudalismo”.
Sa China noong Cultural Revolution, karaniwang ginagamit ang mga termino gaya ng “fǎn gémìng” (counter-revolutionary), zīchǎn jiējí fēnzǐ (bourgeois elements), at fǎndòng (reactionary) para tukuyin at bigyan ng mukha ang mga “kaaway ng estado”.
Kung nagtagumpay ang China sa rebolusyon nito, ang rebolusyon sa bansa ay mukhang malayo-layo pa ang tatahakin.
Sa South Africa naman noong panahon ng anti-apartheid movement, ang mga aktibista ay gumamit ng mga jargon, gaya ng “comrade”, “the struggle”, at “Mzabalazo”, bilang bahagi ng kanilang pagbubuklod at pagkakakilanlan.
Bagamat naging epektibo sa ilang danas, may mga pagpuna na nakapagpapalayo sa “masa” ang sobrang teknikal at ideolohikal na lengguwahe. Kaya’t challenge sa mga aktibista ngayon ang pagpapanatili ng mga hugot na ideolohikal nang hindi isinasakripisyo ang paglalako sa madla.
Coded Language
Sa ilang mapanganib na sitwasyon, ginagamit ang coded language bilang depensa sa censorship at surveillance. Sa mga protesta sa Hong Kong noong 2019, ginamit ng kabataan ang slang (pinaghalong Cantonese at English), pop culture references, at visual memes (tulad ng Winnie the Pooh bilang representasyon ni Xi Jinping) upang ilampaso ang mga awtoridad sa social media.
Sa Iran, ginagamit ng mga kabataan at aktibista ang pinagsamang Persian at English sa social media upang iwasan ang automated keyword tracking ng kanilang gobyerno. Sa Mahsa Amini movement, gumamit ng emoji chains at cryptic hashtags ang mga kabataang babae para palaganapin ang kilusan habang iniiwasan ang censorship. Habang sa Russia naman, naging karaniwan ang paggamit ng stylized spellings at visual substitution, halimbawa’y “во!йна” para sa “война” o “gyera”, para ipahayag ang pagtutol sa digmaan sa Ukraine para hindi matukoy ng mga AI-based surveillance tool.
Bagamat ang danas ng Pilipinas ay hindi katulad ng sa Hong Kong, Iran, at Russia, ang bansa ay may sariling coded language tradition at ginagamit ito hindi lang para makaiwas sa online repression/censorship, kundi para magsama-sama, makalusot sa cyberlibel ng mga pikon at balat-sibuyas na politiko, at gumamit ng humor at creativity bilang paraan ng protesta.
Ang wika ay may kakayahang mag-evolve bilang depensa laban sa makinarya ng panunupil at ito’y naiaangkop at nagiging malikhain sa gitna ng opresyon.
Wika Bilang Isang larangan ng Tunggalian
Tulad sa lipunan, ang wika ay isang larangan ng tunggalian ng iba’t ibang uri, at ang maingat na pagpili ng mga salitang gagamitin ay siyang magpapalaya mula sa “tanikala”. Dapat tayong magtaguyod ng mga punto de bista at ideolohiya nang hindi nahihiwalay at palaging kasama ang masa.
Ang hamon ay panatilihing balanse ang paggamit ng wika sa pagitan ng pagiging radikal at pagiging malinaw.

Aug 11, 2025
We are dedicated storytellers with a passion for bringing your brand to life. Our services range from news and media features to brand promotion and collaborations.
Interested? Visit our
Contact Us page for more information. To learn more about what we offer, check out our latest article on services and opportunities.