NATIONAL
Advocates Philippines
Co Questions Duterte Camp's Defense
Photo credit: House of Representatives of the Philippines
House trial spokesperson Atty. Renee Co on Wednesday raised questions about the legal strategy outlined in Vice President Sara Duterte’s pre-trial brief, asking whether the defense plans to present its own explanation to the allegations or focus mainly on challenging the prosecution’s witnesses.

After reviewing the document, Co said one question immediately stood out.

“Matapos naming suriin ang kanilang pre-trial brief, isang tanong ang agad na pumapasok sa isip: May sarili ba silang depensa, o ang plano lang ba ay sirain ang mga testigo ng prosecution?” Co said.

According to Co, several of the witnesses and documents identified by the defense appear to be the same individuals and records that have already been listed by the House prosecution panel.

She clarified that there is nothing improper about using witnesses or documents already part of the record, but said the public also deserves to hear the Vice President’s own side of the story.

“Walang masama sa paggamit ng mga dokumento o testigong bahagi na ng rekord. Karapatan iyon ng bawat panig. Pero ang tanong: Nasaan ang mga testigong magpapaliwanag sa panig ng Bise Presidente? Nasaan ang mga testigong magsasabi kung bakit mali ang mga alegasyon laban sa kanya?” Co asked.

“Kung halos pareho rin ang mga testigo at dokumentong ginagamit, baka ang plano ay hindi maglatag ng sariling bersyon ng katotohanan. Baka ang plano ay kuwestiyunin lamang at atakehin ang mga testigo ng prosecution.”

Co stressed that questioning the credibility of witnesses is different from presenting an affirmative defense.

“Magkaiba po iyon. Ang isang depensa ay hindi lamang naghahanap ng butas sa kabilang panig. Ang isang depensa ay naglalatag ng sariling paliwanag. Nagpapakita ng sariling ebidensya. Nagpapaharap ng mga testigong may personal na kaalaman sa mga pangyayari,” Co pointed out.

“Kung puro pag-atake sa testigo ang maririnig ng taumbayan, hindi pa rin masasagot ang pinakamahalagang tanong: Ano ba talaga ang paliwanag ng Bise Presidente sa mga alegasyon?” She asked.

The House spokesperson said ordinary Filipinos are more interested in getting answers than watching legal maneuvering unfold.

“Hindi naman abogado ang karamihan sa ating mga kababayan. Ang gusto lang nilang malaman ay simple: Totoo ba o hindi? Ano ang nangyari? Sino ang nagsasabi ng totoo?” Co stressed.

“At para masagot ang mga tanong na iyon, kailangan ng mga testigong magpapaliwanag, hindi lamang mga testigong maninira ng ibang testigo. Ipaliwanag niya ang pagwawaldas ng confidential funds, ng yamang hindi niya nilista sa SALN, at bilyon-bilyong bank transactions,” Co alleged.

Despite her criticism, Co said the prosecution welcomes any evidence or witnesses that the defense chooses to present and supports Vice President Duterte’s constitutional right to defend herself.

“Sa katunayan, gusto naming marinig ang kanilang mga testigo. Gusto naming makita ang kanilang mga ebidensya. Gusto naming marinig mismo ang kanilang paliwanag,” Co said.

“Kung naniniwala silang mali ang mga alegasyon, ito na ang pagkakataon upang patunayan iyon sa harap ng impeachment court at ng sambayanang Pilipino,” she said.

Still, Co maintained that the defense filing leaves unanswered questions about whether the public will hear direct explanations or merely attacks on the prosecution’s case.

“Ang impeachment trial ay hindi paligsahan kung sino ang mas magaling manira ng testigo. Ang layunin nito ay malaman ang katotohanan,” she said.

“Hindi sapat na sabihing mali ang testigo. Kailangang ipakita rin kung ano ang tama. Hindi sapat na kuwestiyunin ang ebidensya. Kailangang maglatag din ng sariling ebidensya,” Co said. “For months, the Filipino people have been waiting for answers. Ang hinihintay nila ay hindi paninira ng testigo. Ang hinihintay nila ay paliwanag.”

She ended by returning to the same question she said remains unanswered after reviewing the defense's submission.

“At iyan ang pinakamahalagang tanong na iniwan ng defense pre-trial brief: May depensa ba talaga silang ihaharap, o plano lang nilang sirain ang mga testigo ng prosecution?” Co asked.
Jun 17, 2026
MORE NATIONAL →

We are dedicated storytellers with a passion for bringing your brand to life. Our services range from news and media features to brand promotion and collaborations. 

Interested? Visit our Contact Us page for more information. To learn more about what we offer, check out our latest article on services and opportunities.

Share this article

MORE NATIONAL →