AdvocatesTV • Jun 09, 2020

Baby girl ni Andi Eigenmann, nag-surf kasama ang ama nito

Photo Credit: Philmar Alipayo Instagram Account
MAYNILA – Kinagigiliwan ngayon ng mga netizen ang video clip ng unang surfing experience ni Lilo, ang sampung buwang baby girl ni Andi Eigenmann sa partner nitong si Philmar Alipayo, isang surfing champion.

Sa Instagram ibinahagi ni Philmar ang video ng pakikipaglaro sa alon ng anak ni Andi sa isla ng Siargao, kung saan sila naninirahan.

Sa caption ng kanyang post, pinahiwatig ni Philmar ang kaligayahang makasama sa surfing ang kanyang anak.

“Lilo’s First Surf w/ Papa Soo happy! Lilo’s first surf at 10 months. Can’t wait for more surf with me . Next time better video quality ,” ani Philmar.

Hulyo ng nakaraang taon isinilang ni Andi si Lilo, ang pangalawang anak niyang babae.

Si Lilo ang unang anak nila ni Philmar, na may dalawa namang anak na lalaki sa mga dating nakarelasyon.

Samantala, si Ellie ang unang anak na babae ni Andi sa dati niyang nobyo na si Jake Ejercito.
Share by: