AdvocatesTV • May 12, 2020

Anak ni Sonny Parsons binalikan ang masayang alaala ng Ama

Photo Credit: Nicole Villarama Sta. Maria Facebook Profile
Pumanaw na ang mang-aawit at aktor na si Sonny Parsons nitong Linggo, Mayo 10 sa edad na 61.

Sinasabing atake sa puso ang ikinamatay ni Parsons habang nasa isang charity drive sa Tayabas, Quezon.

Sa Facebook, kinumpirma ng kanyang anak na si Nicole Villarama Sta. Maria ang pagpanaw ni Parsons.

“Rest in peace papa Sonny Parsons, you are now with Allah. Thank you sa lahat ng advices mo sakin, sa love and for letting me meet all my siblings. I love you! Naiisip lang kita last friday night and pinakikinggan ko mga songs mo. I love you papa! 馃槩 #hagibis,” ani Nicole.

Isang datu ang muslim na si Parsons.

Kilala si Parsons bilang miyembro ng grupong “Hagibis” na sumikat noong dekada 80.

Pinasikat nina Parsons at Hagibis ang mga awitin tulad ng “Babae,” “Lalake,” “Legs” at “Katawan.”

Maliban sa pag-awit ay pinasok din ni Parsons ang pag-arte at paggawa ng mga pelikula.

Noong 2017, napasama pa si Parsons sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Pinasok din ni Parsons ang politika at nagsilbi bilang konsehal sa Marikina City.
Share by: